MISSION 24: A TOTAL LOSS OF REMEMBRANCE Part 2

3.8K 77 20
  • इन्हें समर्पित: jiyeonsuzy
                                    

HELLO! para sayo oh salamat sa pagbabasa :D

Shim’s POV

Nasa likod pa rin ako ni Myungsoo slash L slash Paige. Ang dami niyang pangalan. -_- patingin-tingin pa nga ako sa paligid ko. Naalala niyo  yung sinabi ko na para na akong napa-paranoid? Feeling ko laging may nakasunod sa kin.

“Kanina ka pa tahimik.”

Huuuuuuuh!!

Bigla akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat dito sa kasama ko! malay ko bang haharap siya sa kin eh patingin-tingin nga ako sa paligid tapos pagharap ko bubungad siya!

“Wag ka ngang nangugulat!”

“Bakit? Hindi naman kita ginugulat.”

“Anong hindi? Eh aatakihin ata ako sa puso sayo.”

Bigla siyang nag-smirk. “Baka naman masyado ka lang apektado sa kin, kahit wala akong ginagawa naapektuhan ka. Shim, baka nga nahuhulog ka na sa kin.”

Ay? Matagal na nga akong nahulog sa kanya di niya lang ako sinasalo! Ganito pala to si Myungsoo. Tapos ang lakas pa ng tiwala niya sa sarili niya.

BUG!

“Whoa.”

Bigla ko siyang tinulak tapos nilagpasan ko siya!

“ANG LAKAS NG HANGIN!”

“Wala namang hangin.”

Bigla na naman siyang nasa tabi ko.

“May hangin, hindi mo mararamdaman kasi ikaw yung humahangin.”

Hindi niya ata naintindihan yung sinasabi ko. Ngumiti na lang ako at nag-iwas sa kanya ng tingin.

“Pakiramdam ko talaga ibang tao ka ngayon.” sabi ko, nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa kin.

“Paano mong nasasabi yan?’

“Pansin ko lang, kasi sabi mo nung first day of school. Don’t get close to you, tapos you don’t need friends mga ganun. Eh bakit parang kinain mo na lahat ng sinabi mo?”

THE GANGSTER HUNTER [Book 1 completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें