123114

8 0 0
                                    

Disyembre 31, 2014


Huling araw na ngayon ng Disyembre. Huling araw na rin namin ni Epr dito sa Laoag, Ilocos Norte. Bukas ng gabi ay babalik na kami sa Pasay.

Alas-10 ng umaga ay lumarga kami papuntang Malacanang of the North. Namangha ako sa lugar. Ang ganda nga paligid. Overlooking kasi ang Paoay Lake. Ang loob naman ay well-maintained ang mga antique na kasangkapan. Sulit ang pagdayo namin. Nag-enjoy ako. Andami kong litrato.

Next stop is Batac City. Naroon ang labi ni Marcos, pero di kami pumasok. Nagpicture lang kami sa labas. Napiktyuran ko rin ang Batac Church.

Finally, sa Paoay Church kami. Sa wakas, narating ko din iyon. Ang ganda! Picture perfect. Andmai ko ring nakuhang litrato.

After lunch bumalik na kami sa Laoag. Alas-3 ay nakauwi na kami. Gusto pa sanang pumunta ni Mommy Salve sa Sand Dunes kasi di pa nakapunta sina Kasey at Nepthali kaso ayaw na ni Tatay. Okay lang. Nakapunta na rin namin kami ni Epr.

Andami kong pictures na in-upload. Inabutan ako ng Medya Noche

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now