012215

7 1 0
                                    

Enero 22, 2015

Napuyat ako kagabi. Siguro ay dalawang oras lang lahat ang tulog ko. Grabe! Epekto siguro iyon ng caffeine. Nag-coke at nagkape kasi kami kahapon. Idagdag pa ang iced tea.

Gayunpaman, hindi ako naging antukin maghapon. Paano ba naman ako aantukin, e, pagkatapos kong magturo ng Math ay nag-TQC (Teachers Quality Circle) kami, with Mam Lolit. Antagal namin. Siguro alas-dos na kami natapos. Then, gumawa pa ako ng tatlong tarpapel na gagamitin namin sa parade bukas. Ito ay para i-announce ang Early Enrollment.

Kaya lang, nainis ako sa kalat ng mga pupils ko kaya nagalit at nagsermon. Ipinatapon ko na rin ang mga panglinis, basurahan at ang mga inipon naming papel at plastic. Sinabi ko na simula Lunes ay kamay na ang gagamitin nila sa paglilinis.

After class, nag-hideout ako. Kasama din si Plus One. Sinimulan ko doon ang narrative report ng TQC namin.

Umuwi ako ng maaga dahil antok na ako. Six AM pa naman ang pasok namin bukas. Andami pang avtivities-- parade, awarding at outing. Hectic!

Cinquain:KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon