120114

20 1 0
                                    

Disyembre 1, 2014

Pumasok ako ng maaga. May naiwan pa kasi akong kalat sa school. Naghanda din ako ng teaching aids sa Math, kahit alam kong wala na namang palitan dahil absent si Mamu.

Mabuti na lang din ay maaga akong pumasok, kasi kailangan na palang magpasa ng narrative report ng demo ni Mareng Lorie. Ginawa ko kaagad pagkabasa ko sa text ni Mam Vale. Kaya lang naabutan ako ng mga bata. Gayunpaman, nagawa ko bago maglunch. Pero, hindi ko pa naipadala sa JRES kasi wala pang pirma si Mah at kailangan pa ng soft copy. Sa Miyerkules na namin maipapasa.

Dumalaw si Mamah sa school. Naabutan pa tuloy niya ang panenermon ko sa mga nagpasaway kaya nauwi sa pagkasugat ng kilay ni Paul. Kainis! Nagpaalam naman ako. Konting sandali lang ako nawala, nagwala din ang apat. Nagtaya-taya daw. Sana matuto sila. Ang bawat kasutilan ay may kakambal na kapahamakan.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now