031115

4 1 0
                                    

Marso 11, 2015

Nainis ako nang malaman kong sinira ang padlock ng classroom ko. Hindi kami na-inform na gagamitin pala ang rooms ng Grade V sa NAT. Sinabi daw nila sa GL namin. Wala namang binanggit sa amin si Sir Rey kahapon. Mas inuna niya pa ang pag-imbita sa akin kesa sa may importante. Lumabas pa tuloy na nagpabaya ako o naging sakim.

Buhay nga naman!

Gayunpaman, naging kalma lang ako. Anuman ang kuro-kuro o saloobin nila, hindi na ako apektado. Nagpakasaya ako, lalo na’t napag-usapan ang artikulo ko tungkol sa binibentang utot sa mga tindahan sa labas ng school. Naalarma sila. Kaya, kinausap ni Mam Amy si Ate Sol. Kinumpiska nila ang  tira pang paninda. Nangako naman ang tindera na hindi na uli magtitinda. 

Marami na rin ang nag-share ng sanaysay ko. Nag-comment din si Auntie Vangie, Mam Glo at Mame Deliarte. Nakatulong nga ako na ipalaganap ang posibleng problema.

After lunch, napasama ako sa Grade IV teachers at kay Mamu sa pagpunta sa Baclaran para maghanap ng uniform sa graduation. Ayoko naman kasing maiwan mag-isa sa school. Gusto ko na nga sanang umuwi na. E, sayang naman ang chance na maka-bonding sila. Enjoy tuloy ako na kasama sila. Napagod man kami sa kakalakad, may free meal naman.

Pag-uwi ko, inihanda ko ang mga isa-submit kong articles sa Gawad PPV. Sa Abril 15 na ang deadline of submission. Kailangan ko ng makapagpadala, lalo na’t aalis ako patungong Aklan.

Sanaysay na lang ang kulang ko. Nag-reresearch pa ako.  Bukas, baka matapos ko na ang article. 

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now