020515

9 1 0
                                    

Pebrero 5, 2015

Pinalabas ko ang mga upuan sa mga estudyante ko kanina, pagkatapos ng flag ceremony. Kahapon kasi ay iniwan nilang makalat ang classroom. Kaya, naisipan kong sa labas sila magklase. Tapos, hindi ako nagturo. Nagpasulat lang ako sa sulating pangwakas.

Paisa-isa ko silang pinapasok. Ang may takdang aralin ay agad na nakapasok. Pagpasok naman nila ay may gawain din sila ---pagsulat ng sanaysay tungkol sa disiplina.

Ang hirap palang mag-check ng sulating pangwakas time-consuming. Pero, na-e-enjoy ko. Lubos kong nakikilala ang mga bata. Nalalaman ko ang kanilang kahinaan. Nakakagalit nga lang ng husto dahil sobra ang kanilang kawalang-alam sa pagsulat. Ang papangit talaga ng kanilang dikit-dikit. Naisipan ko tuloy padalhin sila ng writing notebook. Babalik kami sa writing class bukas.

Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa hideout. Nagpalit lang ako ng damit. Nag-text kasi si Papang. Need na daw niya ang narrative report na pinagawa niya sa akin. Hindi ko pa nagawa.

Nang nasa hideout na ako, hindi ko naman iyon nagawa. Hindi kasi sapat ang impormasyon na ibinigay sa akin ni Sir. Kailangan ko pa siyang matanong.

Sa halip na gawin iyon, ginawa ko na lang ang ‘something for my V-Mars’ na sinimulan ko noong isang gabi. Marami akong natapos, habang nakikipagkuwentuhan kay Mamu.

Naikuwento ko tuloy sa kanya ang ginawang iskandalo ni Emily sa kaklase ko na akala niya ay babae ko.

Bumilib ako kay Amy. Nasagot-sagot na rin kasi ang mga pang-aalimura ni Emily sa kanya. Nagawang niyang mapa-sorry ang judgmental kong asawa.

Grabe talaga! Hindi muna nagtanong o kinilala si Amy. Napahiya tuloy siya. Sana tumigil na siya sa pagseselos. Lalo lang kasi akong naiinis sa ugali niya. Hindi na tama ang pagseselos niya. Lahat na lang halos ng babae na mapalapit sa akin ay pag-iisipan niya ng masama.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now