021315

9 0 0
                                    

Pebrero 13, 2015

Masaya akong pumasok. Positive ang thinking ko, kaya nga may Grade 6 agad na kumaway at tumawag sa akin para magpapicture sa akin, na ang background ay ang ginawa ko, namin kahapon sa stage.

Naglapitan na pagkatapos. May nakipagkuwentuhan. May nagbigay na ng bulaklak, hanggang sa makaipon na ako ng isang bungkos.

Sa taas, dumagsa ang mga regalo. Hindi man gaya noong December, pero masaya ako dahil nakaalala sila, nag-effort pa.

Habang nag-aalmulsal kaming mga teachers, pinapagawa ko naman ng cards ang pupils ko. Nagpictorial din kami. Nag-selfie. Taos, kinuhaan ko pa sila habang gumagawa.

Alas-otso, bumaba na kami ---ako at ang aking advisory class. Alam ko na na may program na magaganap, kahit biglaan, kasi kinontrata na ako ni nina Mam Loida at Mam Rose na mag-emcee.

Pumayag ako na mag-emcee ng biglaan. Sanay na ako.

Kaya naman kami naunang bumaba ay para magpiktyuran kami. E, ang nangyari, nagsunuran na sila. Nagkaingay at nagkagulo na. Nainis ako kasi naghahabulan ang mga bata, kasama ang ilan kong estudyante. Nahigh-blood ako kaya nagsalita ako sa mic at nagwalk out sa stage.

Pasaway ang mga bata dahil tinitingnan lang ng mag guro. Hindi man lang magsaway at magpakalma habang hinahanda namin ni Sir Rey ang tugtog.

Si Mam Rose ang nagpasimula ng program. Si Sir Rey ang nag-pray. Kundi lang laptop ko ang gagamitin sa pagplay ng music ng sasayaw ay hindi ako lalapit sa stage. Kakainis!

Walang nagawa ang init ng ulo ko. Nag-emcee pa rin ako at naging photographer.

Okay naman sana ang programa, kaya lang ina-announce pa na may make-up class bukas.

Lalo akong nabuwisit kaya ng umakyat kami, tahimik ako. Pagkatapos kong magsermon sa mga bata ko, nagpasulat ako ng sanaysay tungkol sa "Bakit Nagagalit ang mga Guro sa mga Mag-aaral?" Tapos, nag-garden ako para matanggal ang galit ko. Kaso, sinisingil naman ako ni Mamu. Nagbigay daw sila kay Mam Deliarte ng cash. Sabi ko, " Bakit nagbigay kayo? Birthday niya? Lahat naman tayo may puso." Sumagot siya. Kaya, sabi ko, "Hindi ko obligasyon na bigyan siya. Nagbigay ng kayo ng bulaklak at chocolate, ano pa? Pinaparamdam ko mga sa inyo na wala akong pera, magbibigay pa ako. May suweldo naman siya." Wala siyang nagawa. Umalis na lang.

Nakakabuwisit. Wala naman siyang naitutulong sa akin, bibigyan ko pa. Andaming niyang pagkukulang sa akin, sa faculty. Panay alis. Panay pasasa.. Hay naku!

Isa pang init ng ulo ang dumagdag sa akin. Ito ay nang ipatawag ako para sa group meeting. Aba, gusto pa yatang ako pa uli ang gumawa ng TQC report. Maawa naman ako sa sarili ko. Namamayat na ako sa pagod at puyat. Wala silang awa.

Kaya nang magsabi sila na kailangan na ang mga ek-ek na form o report, nagsalita ako. Sinabi kong itinapon ko ang form dahil hindi naman ipinaliwanag ang dapat gawin. Tapos, hahanapin nila pag due date na. Agad-agad pa.

Gusto pa yatang magtaas ng anuman ang aming kasamang MT pero napigilan niya ang sarili niya. Marahil ay nakita niya na mainit talaga ng loob at ulo ko.

Hindi ako nagpakita ng interes na tumulong sa report namin. Vocal kong sinabi na hindi ko ginagawa ang isang bagay kapag di ko gusto o labag sa kalooban ko.

Umuwi ako sa boarding house. Agad!

Nawala ang galit ko pagkatapos kong ikuwento kay Emily. Nakatulong din ang pagbabasa ko ng mga greeting cards na ginawa ng pupils ko para sa akin.

Friday the 13th nga ngayon. Malas ako sa pagiging masaya. Pero, ayos lang. Naramdaman ko naman sa mga mag-aaral ang pagmamahal nila sa akin akin. Sadya lang talagang kapos sila sa disiplina. Tsk tsk.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now