121314

14 1 0
                                    

Disyembre 13, 2014

Muntik na akong ma-late sa masteral class ko dahil alas-sais y medya na ako nagising. Tapos, matraffic pa. Ang sumatutal, ako pa rin ang pinakaunang dumating sa klase ni Dr. Yan.

Tinatamad akong mag-report kanina sa Philosophy of Education, pero dahil natapos agad ang report ng una, pinareport pa rin ako.

Bago ako nakapagsimula, pinagpakilala ako ng sarili ko. Naungkat tuloy nila ang buhay-pamilya ko. Ayo slang naman kaya lang medyo awkward. Lagi na lang ba akong controversial tuwing ako ang magre-report.

Nagawa ko namang i-explain maigi ang report ko kahit may time pressure at kahit hindi ko pala nabasang muli ang inihanda kong powerpoint. Hindi nga rin ako nakapaghanda ng hand-outs.

Second subject. Natanggap ko ang na-check-an na assignment ko last meeting. I got 97%. Medyo nainggit si Roselyn. Mas mataas kasi ako sa kanya  ng 5 points. Wala pang correction sa grammar at spelling ko. So, proud of myself. Nakadagdag  sa mataas na grade ko ang lively at interesanteng subject at time.

Na-boring naman ako sa last period. Reading lang ang ginawa ng mga reporters. Pitong reports sa loob ng dalawang oras.  Lumampas ang oras ng uwian. Pasado alas-4 y medya na tuloy ako nakauwi.

Pagdating ko sa boarding house, wala pa si Epr at hindi pa ako inantok kaya nag-encode ako ng mga write-ups ng mga pupils na ipo-post ko sa KAMAFIL. Tapos, umidlip ako. Saka naman dumating si Epr. Bandang alas-sais y medya na iyon.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now