121414

11 1 0
                                    

Disyembre 14, 2014

Bago mag-alas-onse ay nasa Sta. Clara Church na ako kung saan bibinyagan si Nasheenlie Baes, ang inaanak ko. Nauna pa ako sa kanila. Pero, ilang minute lang akong naghintay. Mas matagal akong naghintay na matapos ang binyag, gayundin sa biyahe. Pasado ala-una na kami nakarating sa Paranaque, kung saan ginanap ang reception. Gayunpaman, sulit ang matagal na biyahe dahil masarap at madaming pagkain. Na-enjoy ko pa ang company nina Sir Erwin, Mam Lolit, Pareng Joel G, Pareng Lester, Mam Leah, Pareng Joel G. at Mareng Joan V. Mga kumpare at kumpare ko na sila.

Nalaman ko na bininyagan na rin pala ang anak ni Karen kahapon. Hindi ako imbitado. Medyo, nakakapagtampo. Pero, ayos lang. Krisis naman e.

Pasado alas-kuwatro ay nakauwi na ako sa boarding house. Naidlip ako hanggang alas-sais.

Alas-siyete, nagtext ako sa mommy ni Epr. Tinanong ko siya kung pwede kaming mag-Pasko doon sa kanila ni Epr. Nice idea daw. Kaya lang, sabi ko, hindi pa nagyaya si Epr. Nang tinanong ko nga siya kanina kung saan kami magpa-Pasko, wala siyang sagot. Siguro ay di pa siya handang pag-usapan. Kaya ang payo ni Mommy ay hikayatin ko daw. Nangako naman ako na i-convince ko. Gustong-gusto ko na rin kasing makarating sa Ilocos.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now