011515

9 1 0
                                    

Enero 15, 2015

Ang lakas ng signal, kagabi pa! Kaya naman, halos matapos ko na ang action research ni Bebe. Hinarap ko ito pagkatapos ko mag-almusal. Nakapag-update ako sa Wattpad at blog ko.

Hapon, nanuod ako ng short films sa Youtube. Tapos, pinanuod ko ang pelikulang Tuhog. Comedy ito na medyo may drama. Naiyak ako. Ganda ng istorya at idea.

Then, past 5, inabangan namin ni Mama ang pagdating ni Pope Francis. Tinutukan namin ang kanyang paglabas sa eroplano, pagsakay sa pope mobile para sa motorcade, hanggang sa makapasok sa Apostolic Nunciature. Grabe! Punong-puno ng espiritu ng Diyos ang puso ko. Ramdam ko na naging malapit ang Pilipinas sa Diyos. Iba talaga ang karisma ng papa.

Kaya naman, pagkatapos ng motorcade ay gumawa ako ng tula na may pamagat na 'Mabuhay ang Santo Papa' at pinost ko ito sa FB, Wattpad at blog.

Balak ko ring pumunta sa Luneta para sa kanyang misa doon.Hindi ako Katoliko, deboto o panatiko pero gusto kong maranasan ang kakaibang karanasang ito na minsan lang nararanasan ng bawat Pilipino. 

Sana..

Cinquain:KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon