012115

4 1 0
                                    

Enero 21, 2015

Inspired akong magturo ng pangatnig sa mga bata. I love Filipino subject, talaga! Ang sarap ituro. Nai-express ko ng husto ang sarili ko. Nakakapagpatawa pa ako. Nagagawa ko naman iyon sa Math, pero mas nagagawa koi to pag time ng Filipino. Iba talaga pag gusto mo ang ginagawa mo.

Naibigay ko na kay Bebe ang soft copy ng action research niya. Tuwang-tuwa siya siyempre. Pareho kaming nakahinga ng maluwag.

Kahit nagpalitan kami ng klase at nagturo, nakapagbonding pa rin kaming Grade 5 teachers s lunch. Andami naming napag-meeting-ang ideas. Napagdesisyunan naming ni Mamu na gumawa ng panibagong class program dahil nahihirapan kami sa schedule namin. Hindi pa kami nabigyan ng kapalit ni Mamah.

Kaya, after class, pumunta ako sa hideout.

Pagkatapos ng lahat, hindi naming nagawa. Kahit bali-baliktarin, hindi talaga maaayos. Laging may conflict. Kaya naman, bukas na naman naming pag-uusapan na ilapit na lang ang problema kay Mah.

Alas-nuwebe na ako umuwi.

Cinquain:KuwentoOnde histórias criam vida. Descubra agora