112114

67 1 0
                                    

Nobyembre 21, 2014

Alas-singko  y medya ay nakaabang na sa Jac Liner sina Donya Ineng at Don Façade. May kasama pa si Donya na taga-PBES. Apat kaming bumiyahe patungong San Pablo City Gymnasium para sa unang araw ng seminar sa Wika, Sining at Kultura.

Matagal nakapagsimula. Pero, mabilis lang natapos ang unang speaker.

Maganda sana ang topic niya. Hindi nga lang niya nabigyan ng katarungan.

After lunch ay pumunta kami sa simbahan ng San Pablo. Nagdasal ako doon. Ipinagdasal ko ang pamilya ko, mga anak ko, si Mama,  mga kapatid ko, mga kamag-anak at mga kaibigan.

Hapon, nag-enjoy ako sa topic ni Dr. Batnag tungkol sa mga panlapi. Kahit aandap-andap na ang mga mata ko sa sobrang antok ay nagawa kong making ng taimtim at makisali sa talakayan. Nakibahagi ako.

Alas-kuwatro ay natapos ang talk. Nakabili din ako ng dalawang libro ni Prof. Robinson Cedre na kakailanganin ko sa aking karera.

Pasado alas-siyete ay nakauwi na ako sa boarding house. Napapagod ako pero gusto ko pa sanang mag-Facebook at mag-Wattpad. Kaso, wala pa ring signal ang Smart Bro ko. Noong isang gabi pa. Nakakabuwisit!!

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now