021115

4 1 0
                                    

 Pebrero 11, 2015

Maaga akong nakarating sa school. Kaya, lumapit sa akin ang apat na Grade 6-Section 1. Naglabas sila ng sama ng loob tungkol sa kanilang Math teacher. Hindi ako nagbigay ng negatibong komento. Sabi ko lang sa kanila na pagtiyagaan na lang nila dahil ilang lingo na lang naman ang pasok nila.

Natutuwa ako dahil nire-regard nila ako as hinangahan ng loob.

Nagturo ako ng Math sa dalawang sections. Sa advisory class ko ay nagpasulat ako ng sulating pangwakas. Siyempre, nag-CBA din kami. Nag-e-enjoy na sila sa ginagawa nila. Sabi nila nang nagtanong ako. Natutuwa ako at nasisiyahan sila. Lalo na’t hinahaluan ko pa ng pagbibigay ng inspirasyon. Madalas din akong magpatawa.

NAT review. Naghiyawan ang Section 2 nang makita ako. Sayang, konti lang sila. Hindi tuloy ako nakita ng iba. Pero, gayunpaman, nagpicture-picture kami, pagkatapos ng pagtuturo ko. Ang saya nila! Masaya din ako’t nakasalamuha ko uli sila. May nagkuwento pa nga ng kanilang malaki at magandang pagbabago. Natutuwa talaga ako.

Nag-stay pa ako sa school dahil nag-post ako sa Wattpad. Tapos, nakipagkuwentuhan pa sa akin si Mam Vi. Kinuha niya kasi ang opinion ko kung pwede ba si Mam Diane maging SPG adviser dahil gusto na niya itong isalin. Sinabi ko na may planong lumipat si Mam sa Pangasinan kay maaaring di niya tanggapin.

Antagal naming nag-usap at nagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga maling practice ng mga faculty. Nagplano kami. Sana magawa namin sa susunod na INSET.

Alas-4 pasado na ako nakauwi. Hinarap ko agad ang mga project at schoolworks ko, habang nakikipagkuwentuhan kay Emily.

Cinquain:KuwentoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin