112314

46 1 0
                                    

Nobyembre 23, 2014

Maaga kaming nakarating sa venue ng seminar-workshop. Nakapag-almusal pa kami.

Ang huling araw ay sadyang napakasaya. Andami kong natutunan.

Nang nag-talk si Eros Atalia, isang sikat at magaling na manunulat, nagustuhan ko ang style niya. HeSimple pero rock, kumbaga. He is witty. Palanca awardee. Nakilala ko ang dagli o flash fiction dahil sa kanya. Sa katunayan ay bumili pa ko ng libro niyang “Wag Lang Di Makaraos”.

He has inspired me to write ‘dagli, as well.

Nakita ko na rin si Sir Patrocinio V Vilalfuerte. Last speaker siya sa araw na ito. ANg husay niya. No wonder, andami niyang achievements at nagawa para sa Filipino at panitikan. Gusto ko siyang speaker. Totoo. Down-to-earth at may sense of humor. Pinatawa niya kaming lahat. Inalis niya ang pagkaantok sa aming mga mata.

At hindi lang iyon, he also inspired everyone to write. Willing siyang tumulong sa mga bagitong tulad ko. Nakakatuwa na may mga taong handang gawin iyon.

Bago nagbigayan ng certificate, pormal na binuksan ang Gawad PVV. Natuwa ako ng husto dahil pasok ang aking mga kakayahanan para sa mga patimpalak gaya ng pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay at paghahananp ng outstanding teacher.

Halos maiyak ako sa tuwa. Nagkaroon ako ng malaking pag-asa. Pinu-push pa ako nina Donya Ineng. Tapos, nag-announce din si Sir Cedre na magpasa ang mga aspiring writers para matawagan sakaling may schedule ng writing workshop. Nagkaroon uli ako ng malaking tsansa. I’m so blessed today. Nagbukas ang Diyos ng mga pinto para sa akin.

Habang pauwi kami, punung-puno ako ng pag-asa. One day, ako naman ang magbibigay ng autograph sa mga librong sinulat ko. One day, ako naman ang speaker sa harap ng mga aspiring writers.

Pasado alas-otso, dumating si Emily. Inutusan ko siya na kunin ang salamin sa boarding house ni Eking para mas makabuluhan ang pagpunta niya sa akin. Nagawa naman niya.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now