122014

9 1 0
                                    

Disyembre 20, 2014

Na-late ko sa masteral class ko. Pasado-alas-siyete y medya na ako nakarating doon. Akala ko kasi ay wala nang mag-re-report. Meron pa pala. Okay lang naman. Hindi lang naman ako ang late.

Pagkatapos ng reporting, nagkainan na kami. Nag-potluck kasi kami. Ako ang naka-assign sa soft drinks. Ang saya kahit konti lang kami. Natuwa rin si dr. Yan sa gift namin sa kanya.

Nagkuwentuhan kami habang kumakain. At pagkatapos ay dumiretso na ako sa Puregold Libertad. Namili ako ng mga panregalo sa mga pamangkin, mga anak ko at sa mga inaanak. Grabe, inabot ng P1600 plus ang halaga. Kulang pa nga. Nalimutan ko kasing bilhan si Rhylle.

Naglaba at nagpahinga muna ako sa boarding house, pagkatapos kong ibalot ang mga regalo.

Past 4 ay bumiyahe na ako papuntang Bautista. Past 8 na ako nakarating. Nagulat si Mama sa pagdating ko. Akala niya ay kasama ko si Emily. Natuwa siya later on dahil sa mga dala ko.

Kaya lang naawa ako sa kanya dahil nagtatampo siya kay Jano. May nasabi yata ang kapatid ko na hindi niya nagustuhan. Hindi na talaga siya pupunta sa binyag ni Kurt bukas at sa birthday ni Courtney.

Natuwa naman siya nang binigyan ko siya ng P2500 na cash. Magiging wais na raw siya ngayon dahil naranasan niyang mawalan ng pera, mula ng di ako nakakapunta. Tama iyon, kako. Sabi ko pa ay maging maramot na siya.

Naikuwento ko rin sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay ko kay Eking. Tama lang daw iyon. Hindi nga daw sila maghinanakit sa akin.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now