022315

5 1 0
                                    

Pebrero 23, 2015

Lunes. Tahimik ang mundo naming Grade 5 teachers. Pero, nagpalitan kami. Nagturo ako sa Section 1 and 3 ng area of the polygons. Sa Section 2, nagpasagot lang ako. 

Mga 10, naglakas loob ako kay Mah na kunin ang pinagawa kong employment certificate kay Plus One. Nakuha ko naman. Pero, bago iyon ay kinausap ko si Mam Vi. Gusto kong ilipat sa kanya ang sanla ng lupa at bahay ni Ate Ning. Kaso, nakita niyang peke ang o hindi matibay ang papel na hawak ko. Nahiya naman akong ipilit. 

Pag-akyat ko ay tinawagan ko si Ate Ning. Sinabi ko ang tungkol sa sanla at sa mga dokumentong hawak ko. Pinayuhan ko siya, gaya ng payo sa akin ni Mam Vi. Alam naman daw niya iyon. Hindi nga lang siya makagalaw dahil wala pa siyang pera. 

Namumblema tuloy ako s amga utang ko. Nagbayad na nga si Mareng Lorie ng bayad niya sa plane tickets niya at cellphone, charged sa RCBC ko. Kaso,ibinayad ko naman ang 5k sa kanya as payemnet sa pinahiram niya noong nakaraang linggo. Kaya nang nagbayad ako ng RCBC, P14k lang ang naibigay ko. May tira na lang akong 2k s awallet ko.

Hay buhay!

Ang cool kausap nina Jeff at Lancelot kanina. Sumama sila sa HP kanina sa akin. Naglakad lang kami. Nag-selfie pa kami. Ipinakita pa sa akin ni Jeff ang toy car na bibilhin niya para kay Zillion. Vocal din niyang sinasabi na mabait daw ako kaya sumasama siya sa akin.

Nagkita kami ni Sire Erwin sa may Sanitarium. Naglabas siya ng sama ng loob kay Mamu. Pumiyok daw at itinuro siya na siyang nagsabi sa akin. Hindi ako naninwala kaya agad akong pumunta sa hideout pagkatapos naming mag-usap ni Sir. 

Napatunayan kong hindi siya nagkuwento kay Donya Choling kaya nagtext ako kay Papang. Hindi lang siya nag-reply at hindi rin namin siya matawagan. 

Pinapunta din namin si Plus One. 

Napatunayan naming sinisira talaga ng mga traydor ang aming samahan. Hindi ako papayagan na magtagumpay sila. kaya ginusto kong magkabati silang dalawa.

Bago mag-alas-otso ay nag-reply na si Sir Erwin. Naunawaan na daw niya. Tinawagan rin siya ni Mamu. Nag-usap sila. Okay na.Nakauwi na ako. At least, hindi nasira ang aming samahan.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now