011715

5 0 0
                                    

Enero 17, 2015

Nabagabag ako kagabi sa budget ko. Ang sahod ko pala ay hindi sapat para sa akin, lalo pa’t sinusuportahan ko si Mama. Nagbibigay din ako kay Zillion at paminsan-minsan ay kina Hanna at Zj. Nangungupahan pa ako’t kumakain. Not to mention, ang mga bills ko sa Smart at RCBC. Haay! Ang hirap!

Gayunpaman, paggising ko kanina ay binigyan ko si Mama ng isanglibong piso. Sabi ko ay ipamalengke niya ang kalahati at ibalik sa akin ang P500. Kahit naman crisis ako, hindi ko pa rin kayang tiisin na nagugutom o naghihirap kami sa pagkain. Para ano pa’t nagtratrabaho ako. Hindi ko kayang makitang nagtitiis si Mama. Matagal na siyang naghigpit ng sinturon.

Pagkaalmusal ay nanuod ako ng pagbisita ni Pope Francis sa Leyte. Hindi nakiayon ang panahon doon. Signal #2 pa ang bagyo. Kaya naman, imbes na hanggang alas-5 pa ang Papa ay naging hanggang ala-una na lang. Gayunpaman, natutuwa ako dahil naramdaman ko ang kaligayahan ng mga taga-doon nang makita nila ang Santo Papa. Napaka-charismatic talaga!

Speaking of charismatic, iyan ang topic ko sa Educational Leadership. Isasama ko siya sa mga examples ng charismatic leaders. I know, magiging hit na naman ang report ko. Kaya naman, sinimulan ko nang gawin ang powerpoint ko.

Pagkatapos kong manuod at mag-lunch, nanuod ako ng videos sa youtube. Maghapon. Nagbasa din ako tungkol sa report ko—habang naghihintay ng signal.

Katext ko kagabi si Madi Lalaine at ang inaanak ko na si Jocelyn. Ang haba ng conversation namin. Idagdag pa si Paz. Si Emily naman ay di naman nag-reply uli.Pero, bago ako natulog, nagtext pa siya. Alam ko na nasa Kalibo Aklan sila. naki-fiesta. 

Kaninang umaga, extended ang text convo namin ng inaanak ko. Nakisabay pa si Paz. Iniimbitahan ako sa summer sa kanila. Hindi naman ako nag-commit. 

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now