030215

5 1 0
                                    

Marso 2, 2015

Kahit pang alas-10:30 na ang pasok naming ay pumasok pa rin ako ng maaga. Mga alas-8:30 ay nasa school na ako. Gusto ko kasing madiligan ang mga halaman ko sa garden dahil hindi ko ito nadiligan kahapon. Tapos, naghanda din ako ng lesson plan.   

Wala pa ang mga pupils ko ay inabot na sa akin ni Plus One ang details ng meeting ng school paper adviser at principal mamayang alas-dos sa Zamora. 

Wala si Mamu. Walang palitan.  Pero, kaya kong maiiwanan ang mga advisory class ko. Siyempre mag-iiwan lang ako ng gawain. Pagsulat ng sanaysay. 

Pasado, alas-dos na kami nakarating DO Conference Hall ni mam Deliarte. Hindi pa kami late. Hindi naman agad nagsimula.

Sa una ay gusto kong mabigyan ng trabaho o assignment sa NSPC sa Taguig. Kaya lang naisip ko na bakasyon na pala ang April 6-10 kaya masaya akong wala akong natanggap na gagawin.

Nagmukhang useless ang pagdalo ng mga SPA sa meeting na iyon. Sana ay di na lang nila pinatawag lahat.

Mabuti ay naabutan ko pa ang mga pupils ko. Thirty minutes pa bago mag-uwian.

Pagkauwi ko ay sinimulan ko na ang pagsulat ng kuwentong isasali ko sa Carlos Palanca Memorial Awards. Pinag-aralan ko ang biography ni Hitler. Nagustuhan ko ito kaya, ginawan ko siya ng maikling kuwento. Sana ay maganda ang resulta nito upang manalo ako sa CPMA.

First time kong sasali dito.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now