121514

8 1 0
                                    

Disyembre 15, 2014

Kanina, anim lang ang pupils ko, pero dahil absent si Mamu dumami ang estudyante na binantayan ko. Ayos naman sila. Hindi ako nagalit. Hindi kasi sila pasaway.

Ala-una, nagsimula na ang practice teacher. Meron ako. Si Ruth Bacoy. Dati ko siyang intern. Ako ang pinili niya as resource person. Natuwa naman ako. Favor iyon sa akin dahil hindi ko na kailangan pang magpakilala sa kanya.

Kaya, agad ko siyang tinuruan mag-lesson plan. Natuwa siya dahil marami siyang natutunan. Sa school daw nila ay hindi sila naturuan ng lesson planning.  Pagkatapos niyang magawa ang isa, with my guidance, pinagawa ko pa siya ng isa. Ayos naman. Medyo, nagawa siya ang gustong plan.

Panay ang pasalamat niya bago nagpaalam. Sana, siya uli ang highest pointer sa demo, gaya ni Vanessa.

Maghapon akong malumbay. Wala pa kasing bonus. Andami nang umaasa sa pera ko---sina Hanna at Zildjian. Andami ko na ring dapat bayaran, like RCBC at equity ng bahay. Idagdag pa ang exchange gifts sa hideout  at faculty Chrsitmas party. Si Emily ay humihingi din kahapon. Bukas daw siya uuwi sa Aklan.

Mabuti nga at hindi pa naniningil ang landlady. 

Cinquain:KuwentoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ