021615

6 1 0
                                    

Pebrero 16, 2015

Pagpasok ko pa lang kanina sa school, umilag na ako kay Donya Choling. Ayoko siya makasalamuha. Late siya kaya hindi kami nagpang-abot sa court, habang may flag ceremony. Alas-nuwebe na nang magkita kami. Pilit niya akong kinakausap. Alam kong ramdam niya ang panlalamig ko dahil hindi ko siya pinansin masyado nang sinabi niyang hindi nagawa ni Sir Rey ng maayos ang TQC report namin.

Nakipagkuwentuhan ako kay Mareng Janelyn habang may pinagagawa ako sa V-Earth. Nakapag-almusal pa ako. Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko. Binigyan ko pa siya ng guidelines ng promotion. 

Nagtext naman kami ni Ms. Kris. Binalitaan niya ako tungkol sa mga reaksiyon ng ilang kaguro namin. Alam kong nawindang ang lahat ng nakabasa ng post ko. Natutuwa ako.

Sa klase ko naman.. nagpasaway sila. May mga nag-away. Kaya, naisipan kong itakwil sila. Sabi ko, hindi ko na sila kakausapin. Bahala na sila. Tahimik ako hanggang mag-uwian. Nagsulat pa nga ng apology letter sina Marian, Jannah at Khrizelle. Napangiti nga ako.

Uuwi na sana ako, kaya lang nakipagkuwentuhan sa akin ang mga Grade 6. Tapos, nagtagal pa sina Jeff Vista at Lancelot Pascual. Naglabas sila ng hinaing laban kay sa Math teacher nila. Andami nilang sinabi. Grabe talaga! Nakakamangha. Tumaba din ang puso ko dahil sabi nila ay ako daw ang paborito nilang guro. Sabi ni Jeff, ako pa ang daw ang naging guro na nagustuhan niya. Sabi naman ni Lance, ako daw ang isa sa mga paborito niya sa Gotamco. Kinumpara nila ako at ang teaching style namin.

Ang sakit ng ulo nang umuwi ako. Hindi agad ako nakapag-internet. Nang nagkape ako bandang alas-sais ay nawala ito.  Ayos!

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now