121014

10 0 0
                                    

Disyembre 10, 2014

Ayoko sanang dumalo sa Christmas Party ng mga Filipino Coordinators, kaya lang wala ako sa mood magklase ngayong araw. Gawa ito ng dalawang araw na walang pasok.

Kaya, nang matanggap ko ang memo ng kunwaring meeting ay agad akong nagdesisyon na dumalo. Umalis ako sa school bago mag-alas-nuwebe y medya, dahil iyon ang nakasaad sa memo. Pagkatapos iyon na maihabilin ko ang mga gagawin sa Tambuli kay Mamu. Nakapagpaalam na rin ako sa mga kasamahan ko. Nasabihan ko na rin si Mam De Paz na ginagawa ko na ang kanyang action reseach.

Maaga akong nakarating sa MOA. Nakakita ako ng kasamahan ko kaya may kasabay akong naghanap ng venue—Taste of Asia. Naligaw pa kami. Pero, kami pa rin ang una.

Past 11 na nagsidatingan ang mga kasamahan ko pati si Mam Silva. Past 12 na kami nakakain.

Ang sasarap ng pagkain. Medyo marami din akong nakain. Na-enjoy ko ang pagkain hindi ang videooke at ang company. Pakiramdam ko hindi ako nag-e-exist. Kakaiba ngayon ang party. Parang hindi masaya. Gayunpaman, naging masaya ang mga kasamahan ko kaya masaya na rin ako.

Tatlong beses na akong nakakadalo ng party ng Filipino department. Ayoko ma-miss ni isang party habang ako pa ang coordinator ng GES. Besides, mas makikilala ako ng mga kasamahan ko.

Nakapag-take home pa ako ng mga ulam. Marami kasi ang sobra. Five hundred pesos ba naman ang ambagan namin. Tapos, hindi pa dumalo ang iba.

Napagsalo-saluhan tuloy namin sa hideout ang mga ulam na binalot ko.

Pagdating ko sa school, na-bad trip ako kay Mah. Buwisit na Tambuli. Andami na naman niyang gustong baguhin. Bakit hindi na lang siya ang magbago. Nakakaasar. Masyadong mataas ang standard. Hindi naman siya ang nahihirapan.

Kaya, pagdating namin sa hideout, na-corrupt tuloy ang USB ni Mamu kung saan niya nai-save ang bagong edited na copies. Sayang ang ilang minutong effort niya. Nakikiramay pa sa amin ang USB. Tsk tsk.

Alas-nuwebe na kami nakaalis sa hideout ni Sir. Natapos na rin ang burden niya. Napagtulungan na naming tatlo.

Pagod na pagod ako maghapon, pero, enjoy pa rin. Kahit paano ay may time kaming mag-bonding sa hideout. Nakapagtawanan at nakapagkulitan kami.

Cinquain:KuwentoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora