013115

8 1 0
                                    

Enero 31, 2015

Alas onse y medya na ako bumangon. Nakompleto ko naman ang tulog kaya di sumakit ang ulo ko. Hindi nga lang ako nakapasok sa first period ng masteral class ko. Mabuti na lang at wala talagang pasok sa second period. In-announce na noong Sabado pa.

Nang pumasok naman ako, bandang ala-una y medya, wala ang prof ko sa third class. Alas-dos na, wala pa. Pumunta na lang ako sa Gotamco. Nag-text kasi si Mamah. May inilagay daw siyang ulam sa classroom ko. Nandoon din si Papang. Kaya pala, ay ipapagawa sa akin. Okay lang. Kayang-kaya ko naman, e. Nagawa ko bandang alas-kuwatro.

Andami kong dalang ulam pauwi. Blessing din ang pagpunta ko sa school.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now