112814

19 1 0
                                    

Nobyembre 28, 2014

May professional Meeting ang GES Faculty. Ten-thirty ng umaga nagsimula. Wala ang principal kaya si Mam Rose ang nag-preside ng meeting. Nakakainis ang mga gawaing ipinagagawa ng bagong superintindent. Pamatay! Pati ang kulay ng kung ano-ano sa classroom ay kumporme sa gusto niya. Ewan!

Pinag-usapan din namin ang Christmas Party. Sa wakas, nagkasundo din. Sa school lang kami magpa-party, gaya nang naabutan ko noon kay Sir Soriano.

After ng meeting, nagturo ako ng Haiku sa mga bata. Nakasulat naman sila. Naabutan nga lang kami ng pagdating ng mga magulang. Alas-kuwatro sila pinapasok ng guard.

Sa meeting ay pinanuod ko muna sila ng nakak-touch na video. Isang sulat ito ng anak sa ina, na hindi masyadong pinapansin dahil mas paborito ang kanyang ate. May mga naluhang magulang at estudyante.

Ipinabatid ko sa kanila, pagkatapos, na mahalagang dumalaw sila sa paaralan, ipatawag man o hindi. At, sana ay maging proud sila sa mga kakayahan ng kanilang mga anak.

Nagparamdam din ako ng kasiyahan sa kanilang pagdalo, gayundin ang aking unti-unting pagiging masaya na kasama ang kanilang mga anak.

At nang banggitin ko ang Christmas Party at ang tungkol sa pagbabawal ng pag-aambagan ay nagkusa ang officers na mag-ambagan sila para sa pagkain. Natuwa ako. At least, sa kanila mismo galing ang desisyon.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now