122114

11 1 0
                                    

Disyembre 21, 2014

Alas-otso ng umaga ay nasa bahay na ako nina Jano. Wala sila doon nang dumating ako. Sina Ana at Tya Letty lang ang naabutan ko. Pero, dumating sila bandang alas-nuwebe. Nagulat sila sa presensiya ko. Hindi kasi nila expect na darating ako.

Alas-diyes ay nasa simbahan ako ng Boss-Boso, kung saan bibinyagan si Kurt. Antagal matapos. Pasado alas-dose na kami nakabalik. Kaya pagdating ko,  agad akong kumain.

Isang mahabang paghihintay na naman ang naganap. Wala naman akong ginawa para sa birthday party ni Courtney. Pero, nang nagsimula na, bandang alas-tres, ibinigay sa akin ang camera. Ako ang naging photographer. Na-enjoy ko ang gawain ko, habang nanunuod ng show ng dalawang clowns.

Sobrang gulo lang ng party dahil maliit ang ground at maraming bisita. Gayunpaman, nakaraos ang mag-asawa. Nakatulong ako kahit paano.

Bago mag-alas-siyete ay nakauwi na ako sa Bautista.

Nandoon din pala si Ate Ning. Sabi niya ay baka January niya ako mabayaran. Nag-expect ako kasi, sabi ko ay kumuha ako ng bahay sa Cavite.

Cinquain:KuwentoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu