112214

54 2 0
                                    

Nobyembre 22, 2014

Kami lang ni Mamu ang um-attend sa second day ng seminar-workshop. Hindi rin uli nakadalo si Sir Erwin dahil nasa ospital pa si Makki. Hindi tuloy ako nag-enjoy masyado. Boring pa ang topics.

Alas-kuwatro ay tumakas kami habang nagsasalita pa si Sir Cedre. Kailangan na kasi naming bumiyahe pauwi para maaga kaming makarating sa MCU kung saan naka-confine ang anak ni Sir. Inimbitahan niya kasi kami.

Past seven ay nasa hospital na kami. Naging maingay tuloy ang private room. Ang daldal ni Mamu. Pero ayos lang sa pamilya Climacosa. Ang saya!

Eleven na ako nakauwi. Asar pa rin ako dahil wala pa ring signal ang wifi ko. Ang hula ko ay dahil ito sa lugar ko. Kulob kasi. Napapalibutan ng pader at bahay. Buwisit!

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now