010115

8 1 0
                                    

Enero 1, 2015

Naki-join ako sa Dumlao at Moralde Family sa pagsalubong ng Bagong Taon. Simple lang ang selebrasyon nila kasi wala silang budget. Pero nag-lechon si Tatay Arnold ng ulo ng baboy. Kami naman ni Epr ay nag-ambagan para makabili ng beer at Coke. Mag-iinuman kami, alas-diyes pa lang.

Wala lang ako sa mood uminom pero masaya ako. First time ko mag-celebrate ng New Year with them.

Ala-una kami natulog ni Epr. Alas-sais y medya naman ako bumangon.

Last day na naman ngayon sa Ilocos Norte. Mabuti na lang ay nagyaya si Mommy Salve na magswimming-picnic sa Sarrat.

Alas-onse y medya ay nasa San Joaquin River Resort kami. Ang ganda ng lugar. May may cottages na pinaparentahan sa gitna ng ilog. Ang ganda ng concept, First time kong makikita at makarating sa ganung resort.

Nag-picnic kami doon. Kasama naming ang friend na gay ni Shintaro at ang kababata niya. Maraming food dahil nagdala at bumili ang kaibigan ni Taro.

Kaya lang, sobrang lamig dahil sa hangin. Hindi tuloy ako nakaligo. Sight-seeing, pictorial at tampisaw lang ang ginawa ko. Nagkantahan din sila. Isang oras lang kaya di na ako sumali. Okay na ako sa ganun. At least naka-experience ako ng iba naman.

Alas-singko ay nakauwi na kami. Agad namang nag-empake kami ni Epr para bumiyahe na pauwi. Pinakain muna kami ni Mommy Salve at Tatay Arnold bag kami hinatid sa Partas Bus Station. Agad kaming nakasakay. Tiyempo ang biyaheng pang-alas-sais y medya.

Nagpasalamat ako sa mag-asawa. Nag-sorry naman si tatay Arnold dahil wala daw silang naipabaon. Siya pa ang nahiya. He he. Thankful nga ako dahil marami akong narating. Thankful din ang Mommy ni Epr dahil ako ang nagyaya sa anak niya na bumisita sa kanila.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now