113014

18 1 0
                                    

Nobyembre 30, 2014

Alas-diyes ng umaga ay nasa school ako. Itinuloy ko ang paglinis sa classroom ko. Andami kong nagawa at natapos. Andami ring kalat at basura na naipon. Nakaipon din ako ng mga pwedeng ibenta—mga puting papel at mga karton

Grabe! Andami pala naming abubot ni Mam Rodel. Napagod ako. Alas-kuwatro ay umuwi na ako.

Nakakainis si Emily. Dinagdagan pa niya ng dinagdagan ang pag-upload ng pictures namin, na naka-tag sa mga co-teachers naming. Baliw-baliwan na naman. Akala ko ay magaling na. Hindi pa pala.

Ano ba ang gusto niyang patunayan? Sus! Hindi naman tama. Papansin lang yata.

Hindi ko na napigilan. Tienext ko uli. Sabi ko tanggalin niya ang pagka-tag. Pag di niya yun tinanggal, siya ang tatanggalin ko sa friend list ko.

Nakakakabuwisit! Ano na lang ang iisipin ng mga kaguro ko? E, hindi naman nila picture yun. Siyempre, nag-a-appear sa timeline nila. Nakikita pa ng mga di namin friends.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now