012915

7 1 0
                                    

Enero 29, 2015

Maaga akong nagising at naghanda para pumunta sa school. Bago mag-alas-otso ay nasa Gotamco na ako. Nakapagpalinis pa ako ng classroom sa mga pupils ko na isasama ko sa puppet show. Nakapag-FB din ako saglit.

Past 8, bumiyahe na kami (10 pupils, si Sir Rey, Si Mam Vi at ako) papunta sa PZES. Eksakto ang dating namin. Nagsimula agad, pagkaupo naming.

Maganda naman ang lecture tungkol sa pangangalaga sa mga katubigan. Na-enjoy ko rin ang puppet show nila.

Past eleven ay nasa school na kami.

Wala na namang palitan. Nakakatamad ang maghapon. Pero, nagturo akong sumulat ng sanaysay. Pinagawa ko din sila.

Dumating si Emily sa school. Nakasalamuha niya ang mga kasamahan ko sa Grade 5, lalo na si Mamu.

Parang pagod na pagod ako nang umuwi kami. Antok na antok ako. Sobra. Pero, di naman ako nakaidlip. Andami kasing kuwento ni Emily tungkol sa mga kumara at kumpare namin na naka-usap niya kanina.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now