030415

28 1 0
                                    

Marso 4, 2015

Nakatulog ako ng mas mahaba-haba. In fact, alas-otso na nang bumangon ako. Nagmadali nga lang ako s paghanda ng sarili kasi alas-nuwebe na ako natapos mag-FB at mag-wattpad. Hindi man ako na-late. Nakapag-check pa nga ako ng mga sulatin ng pupils ko, pagdating ko. Tapos, nakapagkuwentuhan pa kami ni Mamu tungkol sa journalist na sumikat sa school sa lugar nila.

Nagpatulong si Mam Rose na gumawa ng programme para sa Recognition. Tumulong naman ako pagkatapos kong tanggapin ang ga sinasauling libro mula sa mga estudyante ko. Tinanggap ko rin ang doxology part.  Kaya, pagkatapos ay naghanap ako ng piece sa youtube. Nagustuhan ko ang kanta ni Aiza Seguera na “Ikaw Na Ang Bahala”.

Alas-dos y medya ay pumunta ako sa DO para san aka-schedule kong oath-taking. Naghintay lang ako ng halos kalahating oras dahil may kausap pa si Mam Ladines. Malaman-laman ko, si Willy lang pala ang kausap niya. Mukhang may inirereklamo na namang principal. Tsk tsk.

Nang matapos sila ay ako na ang hinarap. Hindi ako na-intimidate sa kanya, gaya ng sabi-sabi ng iba. Hindi naman siya strict. Cool nga. Matagal na niya daw akong nakta. Saan daw ba kami nagkita. Pinaalala ko na noong Monday ay nasa meeting ako ng mga principals, supervisors at SPAs. Naalala na niya.

Tapos, tinanong niya ako tungkol sa oath. Pinaliwanag ko. Nasagot ko daw. Then, ano daw ba ang vision ko sa sarili ko. Sagot ko ay tumaas uli ang position. Ano naman daw ang vision ko sa classroom ko. Ang sabi ko, ginagawa ko silang journalist and writers kahit Section 2 lang sila. Natuwa siya. Naging vocal ako kaya hindi ako na-intimidate. I like her attitude. Sabi ko, sana ay magkita uli kami. “Yes, magkikita pa tayo”, ang sagot niya.

Pagdating ko, agad kong prinaktis ang mga doxologists ko. Nakalahati na namin. Bukas uli.

Pag-uwi ko, nabasa ko ang post ng PSICOM Publishing, Inc. Tumatanggap sila ng submissions para sa stories na fntasy, self-help, mystery at horror. Naisip ko akagad si Lola Kalakal. Kaya, agad ko itong cinopy-paste sa wattpad ko. Kulang pa. I need 20K words. 17.2 K words pa lang. Kaya, dadagdagan ko pa ng dalawa pang kabanata. At least, andaming opportunities ngayon para maging full-pledge writer ako. Thank you, Lord!

Cinquain:KuwentoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz