121914

10 1 0
                                    

Disyembre 19, 2014

Christmas Party ng mga bata. Twenty-seven lang ang dumalo. Okay lang naman. At least, hindi masyadong magulo at maingay.

Nag-enjoy sila sa mga games ko. Nag-pa-Longest Greeting ako. Coin Relay. Stop Dance. Trip to Jerusalem. Newspaper Dance. Kiat-kiat Relay. Basagang-palayok. Longest Line with a Twist. At Bring Me. Malaking premyo din ang naipamudmod ko. Okay lang din dahil naging mabait naman sila sa kin sa ilang buwan na aming pagsasamahan. Marami din nga akong regalo na natanggap mula sa kanila.

Nagto-two o’clock nang umuwi ako. Sobrang antok at pagod na kasi ako. Ni hindi na nga ako nakakain ng mabuti. Alas kuwatro na nang pinilit ko ang sarili ko na kumain.

Kagabi ay naisip kong bisitahin si Zillion sa Aklan. Kaya lang kapos ako sa budget. Kailangan ko ding bisitahin si Mama at ang dalawa ko pang anak sa Antipolo. Need ko din siyempre ng salapi para mapasaya silang lahat ngayong holidays.

Bukas ay Christmas Party namin magkakaklase sa Philosphy of Education. Sana may time pa ako bukas para mag-Baclaran. Doon na ako bibili ng mga panregalo sa mga pamangkin at inaanak.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now