012715

5 0 0
                                    

Enero 27, 2015 

Alas-5 ay tumunog ang alarm ko. Pinatay ko lang ito at pumikit uli ako. Alas-sais nang muli akong nagising. At pasado alas-siyete ay bumiyahe na ako papuntang Quezon City. Alas-8 pasado ay nasa DepEd-NCR na ako.

Kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko. Nakaharap ko na si Mam Mayo na dati ay naririnig ko lang. Binigyan ako ng tsansa na maipasa ang school paper pero sa susunod ay hindi na raw. Pinasalamatan ko siya at pinangakuan na hindi na iyon mauulit.

Natuwa ako dahil kinonsidera niya pa ang diyaryo namin.

Nakarating ako sa school bago mag-alas-diyes. Naka-attend pa ako sa meeting ng mga school coordinators with Mam Llanes at Mam Evelyn. 

Pagkatapos, busy-busy-han kami sa pagtapos ng TQC report. Mabuti at dumating si Mam Ruth. May nag-take charge ng advisory class ko. Naipasa namin bandang hapon.

Alas-sais y medya ay sumabay ako sa mga principals ng West at ilang supervisor sa pagpunta sa Star Movies Cafe. invited kasi ako sa blowout ni Ms. Kris. Kasabay din nito ang birthday blowout ni Mam Deliarte.

Hindi ko na OP. Kasama ko kasi si Ms. Kris. Saka cool din si Sir Bob. Maganda rin pala na nakakasama sa ganun. At least nakikilala ako.

Ang ganda ng venue. May mga cosplayer. Nagpe-perform sila every 30 minutes. Medyo, hindi nga lang masasarap ang pagkain. Konti pa ang menu. Gayunpaman, kakaibang experience ito. Lalo pa nang piktyuran ako ni Sir Torres at ma Evelyn. Naging photographer ko sila.Astig!

Alas-nuwebe na ako nakarating. 

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now