020215

6 0 0
                                    

Pebrero 2, 2015

Unang araw ito ng pang-umagang pasok namin. Alas-4:30 ako nagising. Ang lamig! Ang hirap bumangon. Pero, kailangan. Alas-sais kasi ang simula ng klase, simula ngayon hanggang huling araw ng Pebrero. Ito ay dahil tutulong kami sa NAT review ng Grade 6. Hapon kami mag-re-review.

Marami-rami naman ang pumasok na mga estudyante ko. Kaya nakapagturo ako ng ‘congruent polygons’. Nagpalitan din kami kaya even ang lesson ko. Kaya lang, after recess ay wala ng palitan. Nagpasaway na ang mga estudyante ko. Gayunpaman ay nakapag-garden ako. Nakagawa ako ng dish garden. Nag-sermon din ako. Ang iingay kasi. Gusto ko sanang mag-discuss sa EPP. Ayaw naman makinig. Ang ginagawa ko, pinasagot ko sila ng mga katanungan tungkol sa lesson ko sana. Hindi pa ako nakuntento, pati sa Character Ed ay ganun din ang ginawa ko. Pinasulat ko pa sila ng sanaysay tungkol sa “Kahalagahan ng Edukasyon” gamit ang mga pangatnig at pang-ukol. Yun! Natahimik sila.

Ang hirap, e. Inspired kang magturo pero ayaw nila. E, di pagmalupitan sila. Mas natuto pa nga yata sila ng self-study kaysa sa spoon-feeding.

Hindi nga nila natapos. Pina-assignment ko na lang. Sabi ko, di makakapasok ang walang gawa. Sana, gawin nila, lalo na ang sanaysay. Gusto ko lang naman na mas gustuhin nila ang pagsusulat kaysa sa pagdadaldal.

Past 1PM ay nagsimula na kami sa review. Sa Section 5 ako na-assign. Okay naman sila. Magagaling sila sa Math. Nagulat ako sa mga dati kong pupils. Nahasa sila ng husto kay Mr. Alberto. Hindi ako nahirapan. Mabilis silang natuto sa tatlong objectives. Kaya lang pasaway na pagkatapos namin o habang naghihintay ng uwian. Pero okay lang. Tolerable naman.

For the first time, umuwi ako ng maaga. Past 3 ay nasa boarding house na ako. Kakarating lang din ni Emily. Malungkot lamang siya kasi may tama daw ang baga niya. Kaya, kailangan pa niyang uminom ng gamut. Matatagalan pa tuloy ang pag-alis niya.

Gabi, pinakiusapan ko siya na dalawin si Mama sa Bautista. Kailangan ko kasing padalhan ng pera dahil alam ko walang ibibigay si Jano. Sa akin kasi nangungutang ng P3000 para pantubos sa nahatak na kuntador ng kuryente.

Nakakaawa si Mama kapag walang pagkain. Tapos, kailangan pa ng gamot. Mabuti pumayag si Emily. Maaga daw siyang pupunta doon.

Cinquain:KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon