112514

23 1 0
                                    

Nobyembre 25, 2014

Ang aga ko nagising. Nakakainis! Hindi man lang ako makatulog ng matagal-tagal. Hindi ako nakakabuo ng 8 hours of sleep.

Naglaba muna ako bago umalis ng bahay. Tapos, pumunta ako sa Harrison Plaza para sa magbayad ng RCBC at Smart bills. Nag-grocery na rin ako sa Shopwise. Maaga pa ako nakarating sa school kaya nakagawa pa ako ng visual aids.

Wala man ako sa mood ngayon dahil may runny nose ako, nagturo pa rin ako ng Matematika. Masigla akong nagturo. Alam kong naunawaan nila ang lesson ko. Hindi nga lang ako nakalipat sa Section 1. Umalis kasi si Mam Rose.

Para mapunan ang bakanteng oras, nagpagawa ako ng sanaysay tungkol sa violence against women and children dahil ngayon ay consciousness day.

Umuwi ako agad pagkatapos kung magpalinis ng kuwarto. Gusto ko na kasing mahiga. Kaya lang tinext ako ni Plus One. Punta daw kami sa hideout. Birthday kasi niya ngayon.

Nag-dinner kami doon. 

Cinquain:KuwentoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora