031515

3 1 0
                                    

Marso 15, 2015

Alas-otso y medya na dumilat ang mga mata ko. Sobrang puyat kasi kagabi. Tumawag ba naman ang magiging employer ni Emily sa kalagitnaan ng aming tulog. Madaling araw. Nag-interview. Gayunpaman, natuwa ako dahil binigyan kami ng sign ni Lord. Alam ko, malapit na siyang umalis.

Umalis si Emily kasama ang katulong ng landlady namin. Nagpasama sa pagbiyahe papuntang Novaliches. Maghapon siya wala.

Nagdilig muna ako ng mga halaman sa school tapos nanuod na ako ng “Open Road” s ayoutube. Naiyak ako sa ending nito. Sobrang ganda.

Then, umidlip ako maghapon kahit sobrang init. Alas-sais na ako bumangon. Alas-siyete na yata iyon nang dumating si Emily. Saka lang ako nakapagkape at nakapagmeryenda.

Bago ako nakatulog, nakapagchat pa kami ni Sir Erwin. Di daw siya makakasama sa Aklan kasi required siyang dumalo sa graduation. Okay nga e. At least ako lang ang bibiyahe. Nasabi ko din sa kanya ang tungkol sa niluluto ni Donya Choling against me. Pinayuhan niya ako. Tama naman siya. I’m ready to give up my position, lalo ngayong makakasama ko na si Ion. I need time for the two of us.

Before dinner, nanuod ako ng ‘Dumb and Dumber’ ni Jim Carey. Nakakatuwang pelikula. 

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now