020415

11 1 0
                                    

Pebrero 4, 2015

Naisipan kong ibahin ang ayos ng buhok ko. Sinuklay koi to pababa, bagoa ko pumasok sa eskuwalahan. Nakakatawa! Andaming nakapansin nito. Sabi ng guard, “Sir, para kang Koreano!” Nginitian ko lang siya. Tapos, tanong ng mga estudyante “Nagpagupit ka, Sir?” Umiling lang ako at ngumiti. At si Mam Julie, hindi ako nakilala. Sabi pa ng iba, bagay daw sa akin.

Natuwa ako pero nainis din kinalaunan. Ayoko kasi ng masyadong napapansin.

Naging busy ako buong umaga. Nagturo ako ng similar fractions sa tatlong section. Tapos, nagpagawa ako ng Sulating Pangwakas. First time ko itong ginawa sa Grade 5 ngayon. Nahirapan ako, gayundin sila. Pero, may mangilan-ngilang nakagawa ng magandang sulatin.

Nahihirapan lang sila sa sulat-kamay, indention at margining. Gayunpaman, handa akong itama ang mga alam nilang mali. Gusto ko silang unatin at turuan ng tamang pagsusulat. Nagutuman nga ako kanina dahil sa kahihintay ng mga estudyanteng hindi agad nakapagsulat.

Second time ng NAT review. Hekasi ang itinuro ko sa Grade 6-Section 4 dahil walang reviewer na iniwan si Sir Alberto. Mabuti na lang mayroong Hekasi.

Ayos naman ang review namin. Mahuhusay ang mga bata. Oral review kami. Nakuha ko ang kanilang mga atensyon.

Past three ay nasa boarding house na ako. Nag-try akong umidlip pero nabigo ako. Kaya, gumawa na lang ako ng something productive para sa V-Mars ko.

Cinquain:KuwentoOnde histórias criam vida. Descubra agora