123014

8 1 0
                                    

Disyembre 30, 2014


Pagkatapos ng almusal, nagsulat ako ng para sa journal at Wattpad. Nakasulat din ako ng tula na tungkol sa pagsalubong sa Bagong Taon o pagbabala sa paggamit ng mga paputok.

Alas-tres ng hapon, nagpunta uli kami sa may Fort Ilocandia. Nagswimming sila. Ako naman ay nagkuha lang ng pictures. Namulot din ako ng mga bato at driftwood. Tapos, nakapulot ako ng bote na may dalawang sulat sa loob. Enjoy naman ako.

Pagdating namin sa bahay nila, hinanap ko sa FB ang sumulat niyon. Taga-Ilocos siya. Minessage ko pero di pa nag-reply kung siya nga iyon. Gusto ko kasi siyang maging kaibigan. Parang may problema sa buhay. Hehe

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now