022715

7 1 0
                                    

Pebrero 27, 2015

Proctor ako ngayon sa mock test ng NAT Grade Six. Nagkaroon ako ng chance na makakuwentuhan kay Mareng Janelyn. May dapat daw kasi akong sabihin sa kanya tungkol sa aking sinabing 'may niluluto'.

Nagkuwento ako sa kanya. Nagulat siya nang sabihin ko na si Baleleng ang gustong magpapromote ng dalawang hakbang.

Alam ko na hindi niya sisirain ang tiwala ko sa kanya. Nag-share din naman kasi siya against her.

Sabi namin ay magiging defiant kami sa mga maling gawain. Ipaglalaban namin ang tama. Pinayuhan din niya ako na mag-ingat.

Nalaman ko rin na hindi daw galit sa akin si Baleleng, kundi kay Pokwang/ Mamu. Nagseselos lang daw siya dahil iba na ang set of friends ko.

Habang break time ng mga bata nagkuwento ako kay Mamu. Nainis siya na nagagalit sa kanya ang taong wala naman siyang ginawang masama. Ang payo ko ay hayaan niya na lang dahil hindi lang nila ako maaway dahil hindi ako mabait, kundi ako ay palaban.

Nang dumating si Sir Joel, naikuwento ko tuloy ang baho ng mga kaaway namin. Agree naman siya.

Ang hirap kasama ng mga taong may masamang gawain. Hindi marunong lumaban ng patas. Kaya naman, pati kami ay nagiging masama at palaban na rin.

Lunch time. Dumating si Mamah. Muntik na siyang maubusan ng ulam at kanin. Di kasi namin alam na darating siya.

Pagkatapos ay nagyaya siyang maghalo-halo sa parent ng pupil namin last school year.

Umuwi ako agad pagkatapos.

Hapon, tumawag si Roselyn. Tapos kinausap ako ni Mam Amy. Binigyan ako ng assignment sa NAT sa March 12. Naiinis akong tumanggi. Sabi ko ayaw ko. Wala siyang nagawa. Unfair naman kasi. Nagbantay na ako sa mock test, pagbabantayin pa ako sa actual. Samantalang ang iba, wala o hindi pa nagbantay.

Cinquain:Kuwentoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें