033015

12 2 0
                                    

Maagang nagising si Ion kaya maaga rin akong napamulagat. Hindi na ako nakatulog uli kaya nag-almusal na ako para maharap ko na ang take-home final exam sa Philosophy of Education.

Nasimulan ko lang i-handwrite. Hindi ko natapos kasi masakit sa kamay. Sinimulan ko ring i-encode ang by-laws ng CUP-Young Writers' Guild na pinapagawa sa akin ni Dr. Llamas. Natapos ko iyon kahit dumating si Jano at ang kanyang tatlong anak. 

Nag-aalala na ako kay Emily. Hindi pa siya tumatawag o nagpi-Facebook. Pero, malakas ang paniniwala ko na nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi lang siya marahil makahanap ng paraan para maka-communicate sa akin. 

Nagtatanong si Mamu sa text kung kumusta ang meeting at clearance ko. Wala akong load kaya di ko nasagot. Hindi niya lang alam na di ako pumasok. Wala akong pakialam sa meeting na 'yun. I'm sure, maiinis lang ako. 

Cinquain:KuwentoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant