122914

7 1 0
                                    

Disyembre 29, 2014


Malamig na ang hangin dito sa Ilocos Norte. Sarap magkumot o magsweater.

Speaking of sweater, suot ko ang sweater ko nang naglakad-lakad kami ni Epr. Siyempre, hindi nawala ang picture-picture.

Escapade talaga!

Nag-upload ako pagbalik namin. Tapos, nagbasa ng stories sa FB. Nagsulat din ako ng stories ko para sa Wattpad. Sayang, di makakonekta ang wifi ko sa wattpad.com kaya di ko mapublish.

Nahiga. Umidlip. Nagbasa. Iyan lamang ang ginawa ko maghapon. Enjoy naman. Tapos, after dinner, nagyaya si Kasey, pamangkin ni Epr na mamasyal sa Rizal Park.

Napuntahan na namin ni Epr yun kaya lang umaga. Iba naman kapag gabi. Nagpiktyuran kami doon.

Nagtagal kami sa sports complex. Maganda kasing tumambay doon kasi marami ang mga naglalaro at namamasyal.

Nine ay nakauwi na kami.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now