021015

5 0 0
                                    

Pebrero 10, 2015

Muntik na akong ma-late kanina. Alas-singko y medya na kasi ako nagising. Mabuti umaabot ako.

Sukat ba namang alas-3 ng madaling araw ay dilat ako at nag-iisip ng paraan para mabayaran ang mga bills ko. Si Mam Vi ang naisip ko. Ililipat ko ang sinanla ni Ate Ning. Sana pumayag.

Nagpasulat uli ako ng sanaysay sa sulating pangwakas. Hindi na naman ako nakalipat dahil may sumingit na trabaho kay Mamu. Apektado ang time ko. Ayos lang naman. Nakafocus naman ako sa mga bata ko.

Nakapagtawanan pa kami. Di na ako masyadong stress sa kanila. Sadya lang talaga silang pasaway pero kayang-kaya.

After class, tinawag ako ni Mah sa may bundee clock, habang nagta-timeout ako. Nagpaliwanag siya tungkol sa hindi ko pagka-inform sa Search for Outstanding Campus Journalist. Hindi pa rin ako naniniwala.

Dumiretso ako sa HP at nagbayad ng bill sa wifi. Tumigil na kasi kagabi pa ang connection. Hindi pwedeng wala akong internet. Andami kong mami-miss na gawain.

Malakas na ang loob ko na magbayad kahit isang libo na lang ang matitira sa budget namin sa pagkain kasi papahiramin ako ni Mareng Lorie ng P5K.

Pumirma na ako ng kontrata ng bahay ko sa Cavite. Tinawagan ako ng agent ko. Kakauwi ko lang nun from HP. Natuwa ako dahil patuloy na sa paglinaw ang transaksyon.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now