121714

9 0 0
                                    

Disyembre17, 2014

Maaga akong umalis ng boarding house para i-withdraw ang PBB. Kaya lang inabutan ako ng dalawang oras sa klasada bago ko nagawa ang mga nakaplano kong gawin, kasi nakadalawang lugar at ATM machines ako bago ko na-withdraw ang pera. Akala ko ay nakain na.

Nakapagrocery ako sa Shopwise. Nakapagpadala ng pera kay Flor through Smart Padala.

Sa school, may anim na pupils ako. Naglaro lang sila pagkatapos ng palaro ng Magnolia. Ako naman ay nagbalot ng mga papremyo.

At alas-tres, nag-practice kami ni Mamu at ng Grade 4 teachers ng sayaw as presentation naming bukas sa Christmas party namin.

Nainis kami sa aming principal dahil gusto pa niyang papasukin ang mga bata ng 6-9AM. Haay! Where’s the point?!

Nag-brainstorming kami tuloy doon. Nagpalitan ng kuro-kuro at saloobin tungkol sa mga isyu.

Pagkatapos, sumama ako kina Donya Ineng at Mamu sa MOA. Nagpasama kasi ako sa pagbili ng blouse para sa Monita ko. Muntik na akong di makabili. Ang mamahal sa SM Depart Store. Sa Hypermarket lang pala kami makakahanap ng mura at maganda.

Nine-thirty na ako nakauwi.

Nalulungkot ako kasi ang bilis maubos ng pera. Parang minadyik lang. Sabagay, nakabayad ako ng equity. Nakapagbigay kina Hanna at Zildjian. Ang problema ko na lang ay ang mga gifts ko sa pupils ko, kay Mama at sa mga pamangkin ko. Sana dumating na ang PEI. Gusto kong umuwi sa Sunday para makadalo sa binyag ni Kurt at birthday ni Courtney. Dadalo din kasi sina Hanna at Zildjian, sabi ni Flor. Gusto daw akong makita.

Namiss ko na ang mga anak ko.

Kanina, tinawagan ako ni Zillion. Natuwa ako sa pagsasalita niya. Matatas na. Hindi ko na narinig ang mahaba niyang pagbigkas. Malinaw na malinaw na niyang nasasabi ang mga salita. Kanina, binati niya ako ng Merry Christmas. Sobrang linaw. Nag-I love you pa siya. Ingat pa daw ako. Ang sweet. Sobrang miss ko na siya.

Cinquain:KuwentoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin