031915

2 1 0
                                    

Marso 19, 2015

Nang magising ako bandang alas-dos y medya ng umaga ay hindi na ako muling nakatulog. Nagpabiling-biling na lang ako sa higaan. At bandang alas-4, gumawa ako ng tula na pinamagatan kong “Don’t Count”.  Ayos, may pakinabang ang pagkapuyat ko.

Kaya lang, pagdating sa school, wala ako sa mood magtrabaho. Inaantok ako. Idagdag pa ang kapabayaan at kakulangan ng aming GL. Hindi siya dumating ng alas-6. Alas-onse na siya dumating. Naiinis kami ni Mamu. Kulang-kulang ang mga info para sa programme. Hindi makausad ang ginagawa namin.

Ito namang Donya Choling ay kinuha niya ang mga papel at ibinalik kay Mam D para siya ang pumukpok sa IT namin, na siyang committee sa programme layout. Hindi kami nagrereklamao, nagsasabi kami ng hinaing namin dahil nababalahaw ang sistema. Ito namang MT ay iba ang diskarte. Hindi na nga makatulong, nakasira pa.

Nang dumating ang GL namin, wala pa rin siyang ginawa. Nagpa-meeting pa. Kaya pagkatapos, umuwi na kami.

Sa sobrang antok at gutom ko, nahiga muna ako. Alas-dos na yata ako bumangon para kumain. Hindi pa nga natatapos ang pagkain ko, tumawag si Donya Ineng para sabihing kailangan kami sa school para sa cross-checking. Nagmadali ako. Nakarating naman ako bago makapagsimulang ma-check-an ang mga forms ng Section 1. Nainis lang ako sa tinuran ng principal. “Diyos ko Miyo” daw. Umirap pa. Hala! Hindi naman nila sinabi na may bisita para sa cross-checking. Mas inuna pa nila ang pictorial. E, may sikmura naman akong nagugutom. Kailangan kong unahin.

Ang bilis lang namang nag-check. Wala pang limang minuto. Kailangan pa akong takutin na kay Mam Ladines magpapa-check. Akala nila matatakot ako.

Ang gulo!

Napagbintangan pa kami ni Mamu na nag-Harisson.

Kaya nang pinatawag ang Grade 5 at ang IT, pinagalitan pa kami ng principal. Nag-rason kami ni Mamu. Pumasok kami ng alas-6 dahil iyon ang usapan o sinabi ng GL namin. Pero siya ay duamting ng alas-11. Kami pa, kako, ang may kasalanan? Siya ang chairman ng Recognition pero hindi siya maasahan. PulpoLEADER!

Hindi sila nakaimik nang manggalaiti na ako. Hugas-kamay din ang MT. Aba! Papatalo ba ako. Nasa rason lagi ako. Kahit pa sabihin nilang dapat nagpapaalam kami. Never kaming nagpapaalam kapag magta-time out. Bakit ngayon lang nila kami ire-require.? Wala sa hulog.

Andaming issue ngayong araw sa Gotamco.

Nakasalamuha ko si Mam Dang. Nahirapan siyang magpaprima kay Mam D. Hindi pa nga pinirmahan kaya pending ang thesis niya. Nalaman ko sa kanya na nagkasagutan sina Ms. Kris at Baleleng dahil din sa cross-checking na ‘yan! Later, tinext niya ako at nagkuwento siya. Napatunayan ko na, na masama talaga ang ugali ng kumare ko. She deserves more enemies. Last one, nagtapat si Mamu tungkol sa kuwentuhan nila ni Mam Dang kanina, habang pauwi. Sinisilip daw ni Donya Choling ang limang trainorship ko sa journalism. Dapat daw ay ibigay sa manugang niyang magaling ang iba. Hindi niya alam ang istorya kaya hindi dapat siya nangingialam. Kung alam niya lang na binigyan ko lang ng broadcasting ang manugang niya dahil sa apo niya. Saka ayoko mag-train ng English. Ipinamigay ko na nga ang iba. Ayaw naman nilang kunin. Ngayon school year, handa akong ibigay lahat sa kanila.

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now