011915

5 1 0
                                    

Enero 19, 2015

Inabangan ko uli ang pagpunta ni Pope Francis sa Villamor Airbase para sa kanyang pagbalik sa Vatican City. Grabe! Nakakahanga talaga—ang pagbisita niya at ang pagsalubong sa kanya ng mga Pilipino.

Pagkatapos kong manuod, nag-encode ako. Tapos, naiispian kong gumawa ng leaflet ng milestones ng V-Mars. Tinituluhan ko ito ng ‘V-Mars Travel: Teacher’s Report’. Ang ganda ng outcome! Tiyak ako matutuwa ang mga pupils ko at ng kanilang mga magulang kapag binigyan ko sila sa darating na HPTA Meeting.

Past 6, umuwi na ako. Tinatamad pa nga akong umuwi. Parang nabitin ako sa bakasyon. Hehe

Past nine o’clock naman ako dumating sa boarding house. Wala pa si Epr.

Magbababad sana ako ng mga damit ko, kaso nagsimula na ang Papa Jack’s TLC. May caller na. Nagka-interest ako sa kuwento ng isang problemadong lalaki. Pwede kong i-adapt ang kuwento para sa sasalihan kong  pagtimpalak sa pagsulat ng kuwento sa PPV.

Ganda ng kuwento. Iyak ng iyak ang caller. Hindi tuloy ako nakatulog agad. As a result, nasimulan kong sulatin ang kuwento.

Cinquain:KuwentoМесто, где живут истории. Откройте их для себя