012515

8 1 0
                                    

Enero 25, 2015

Pasado alas-otso, pagkatapos kong magkape at tumungo ako sa school para maglinis at mag-ayos. May darating na mga bisita ngayong darating na week kaya kailangan kong pagandahing muli ang aking classroom.

Nasimulan ko nang ilipat ang mga cabinet at mga tables nang magtext si Epr. Nakasara daw ang pinto sa labas. Hindi siya makalabas. Hindi ko naman iyon sinara. O baka nahila ko ang siradura nang di ko namalayan.

Umuwi ako agad. Bandang alas-diyes lang iyon.

Tapos, nagbanlaw ako ng mga binabad ko kagabi. At, pagkapananghalian, isinama ko si Epr sa school. Nagpagupit muna siya, saka siya tumulong sa akin  sa paglilinis. Marami siyang naitulong sa akin. Kaya naman, natapos agad namin bago bandang alas-dos.

Alas-tres ay nakauwi na kami. Hindi ako masyadong napagod. Iba talaga kapag may katulong Dati-rati, kapag naglilinis ako sa classroom ko, pagkatapos ay masakit ang katawan ko. Ngayon ay hindi ako nakaramdam niyon. Antok lang ang naramdaman ko.

Bukas, mag-iiba na naman ako ng seating arrangement ng mga pupils ko. Bago na kasi ang puwesto ng mga upuan. Ang ganda na. Lumuwang.

Masasabi kong ready na ako sa sinumang bisita. Gaya nang dati, malamang ang room ko naman ang ituturo nila. Okay lang. 

Cinquain:KuwentoWhere stories live. Discover now