Final

24.8K 328 14
  • Dedicated kay Sa lahat ng Kathniel Fans Out there :)

Final

Kathryn's POV

"Congratulations, Kath."bati sa akin ng ilang kaibigan na dumalo sa Bridal shower ko. Kaninang alas-kuwatro pa kami nagsimula at sabi ko kay Julia agahan ang closing ng party since may lakad kaming pinlano ni Zharm.

"Bukas hindi na ikaw ang nag-iisang prinsesa namin, Bukas ikaw ang reyna ni DJ."sabi ni Mommy sa akin habang yinayakap ako at hinalikan sa noo, Yinakap ko rin si Mommy ng mahigpit. I am thankful dahil kung hindi sa kanya, sa kanilang dalawa ni Tita Karla hindi ko makikilala ng lubusan si DJ.

"I am always your Princess and your girl Mommy."sabi ko kay Mommy at teary eyes siyang kumalas sa yakap namin. Nilapitan naman ako ni Lexi na ngayon ay nakangiti habang may hawak na champagne. Umirap si Zharm sa kanya habang sina Aria at Kiray naman inilingan na lang si Lexi, Si Julia? Busy.



"Congratulations, I hope you have a great day tomorrow because finally this chapter of your life will be just a history."sabi niya sa akin bago bumeso, Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya pero inayos ko agad ang sarili ko.

"You're not single anymore kasi ikakasal ka na kay DJ bukas, Advance best wishes to you."dagdag pa niya sabay angat ng baso niya at uminom habang nakangisi. Napatango naman ako sa sinabi niya at ngumiti rin.


Umalis siya sa harapan ko at nakipagusap sa ilang kakilala niya habang ako eto nakikipag-usap rin sa mga kaibigan ko nung Highschool na hindi makapaniwalang kaming dalawa ni Julia ang unang makakapangasawa sa aming magkakaibigan.



"Kath tara na nag-text na si Diego."bulong sa akin ni Zharm kaya naman nilingon ko siya agad. Binigay niya sa akin ang cellphone niya at nakita ko nga ang text ni Diegong halatang pressured.

"Tinawagan niya nga kanina si Julia ayun nainis ang pinsan mo kaya sa akin pinasa ang call, Kanina pa siya kinukulit ng boys kung na saan na raw ang surprise."dagdag pang bulong ni Zharm at humagikgik pa. Nag-isip naman ako paano kami makakaalis sa Bridal's Shower ko sa huli nakaisip din ako.


Sinabi ko kay Mommy na sumakit bigla ang tiyan ko, Maga-attempt pa si Mommy at Tita karla na dalhin ako sa malapit na Hospital pero sinabi ni Zharm na sila na ang bahala sa akin kaya ayun naka-alis kami papuntang Bachelor's Party ni DJ.


Yes we're going there! Hindi ko ine-expect na mapapapayag ako ng mga kaibigan ko dito sa planong ito. Nung Graduation Ball namin after ng Graduation Ceremony talagang kinulit nila akong pumayag sa planong ito, Kinonchaba talaga ni Zharm sina Aria at Kiray si Julia lang ang hindi napapayag. Muntik pa ngang mag-away si Zharm at Julia kung hindi lang nalaman ni Zharm na buntis si Julia at Moody na. Agad namang naintindihan ni Zharm, Matalino siya eh.

"Kath ito yung attire mo."sabi ni Kiray sa akin sabay abot ng isang box habang nasa sasakyan kami. Binuksan ko naman iyong attire na sinasabi ni Kiray, Napatili ako sa gulat ng makita ko yung nasa loob ng box. Narinig ko naman ang halakhak ni Zharm at Kiray habang si Aria naman namula ang pisngi dahil nakita niya kung ano yung nasa box kasi siguradong ganoon din ang sa kanya.

Magrereklamo pa sana ako ng biglang huminto ang kotse ni Zharm, Doon ko lang na-realize na nasa parking na kami ng Hotel kung saan gaganapin ang Bachelor's Party ni DJ. Agad kaming pumasok at ininform sa desk ang reserved room namin which is katapat lang ng kwarto nila DJ.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!