Chapter 21

28.8K 319 12

Daniel: Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita

Kathryn's POV




Kagat-kagat ko ang labi ko ng dito sa loob ng cubicle! Sht! Ang tagal ni Julia. Ano kayang gagawin ko? Kausapin ko na kaya siya ng matapos na ito? Tutal wala na naman ata akong feelings sa kanya.. wala nga ba? Pero hindi ko kasi makalimutan yung sinabi niya sa akin after kong mag-confess sa kanya.


Pero pwede rin namang matapos ito once na nakausap ko siya di ba? Di ba? So i decided to step out in this cubicle. Ganoon na lang ako nagulat ng makita ko si Julia kaya agad ko siyang tinawag at yinakap.

 "JULIA!"



"Kath kanina ka pa ba dito?"tanong sa akin ni Aria kaya napakalas ako ng yakap kay Julia at inilingan ko si Aria.

"Hindi naman masyado.."sabi ko tapos napakagat ako ng labi ko habang nakatitig sa akin si Julia.

"Eh bakit kasi hindi mo siya kausapin?"tanong sa akin ni Julia at napadiin ang kagat ko sa lower lip ko. Bakit nga ba hindi ko pa siya kausapin para matapos na ang lahat?

"Kath isang tanong."seryosong sabi sa akin ni Kiray kaya napatingin ako sa kanya.

"May nararamdaman ka pa ba sa kanya?"tanong ni Kiray sa akin, Hindi ko alam kung anong isasagot ko. May nararamdaman pa ba ako kay Quen? Kung tatanungin niyo ko, Oo may nararamdaman ako.. Tinanguan ko si Kiray, Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadesmaya. Ganoon din kayna Aria at Zharm lalo na kay Julia.

"Ano? After all these years? After what he told you? Gusto mo pa rin siya?"tanong sa akin ni Julia at inalog ang balikat ko.



"Wake up Kath! He's not deserving!"
sabi ni Julia at tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.

"It's not what you think okay? Tinanong niyo ko kung may nararamdaman pa ako sa kanya and it's not something special you're thinking.. Oo may nararamdaman ako sa kanya pero hindi tulad ng iniisip niyo."paliwanag ko at nag-cross arms si Kiray sa gilid.

"Then tell us Kath! Anong nararamdaman mo sa kanya?"tanong ni Aria sa akin kaya naman ngumiti ako.

"Pain and love for a long lost friend."nakangiti kong sabi sa kanila at napangisi si Zharm, Si Kiray naman halos matawa sa sinabi ko

"Then face him."tulak sa akin ni Julia kaya naman lumabas ako ng comfort room at hinarap si Quen.

"Kath mag-usap naman tayo."sabi niya sa akin ng makalabas ako, Tinignan ko siya sa mata niya at confirm. Wala na nga ata talaga akong nararamdaman sa kanya, Bakit? Siguro tensed lang ako ng magkita ulit kami pero napagisip-isip ko na. Wala nga akong nararamdaman sa kanya.


Nginitian ko siya at mukhang naging kalmado ang mukha niyang kanina ay parang nag-aantay ng Judgment day.

"Nag-uusap na nga tayo di ba?"sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Talaga?"sabi niya at nag-ningning pa ang mata, Gusto kong ngumisi pero lolokohin ko muna siya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!