Chapter 46

24.3K 293 39

Here comes the Brides

Kathryn's POV

Nakangiti kaming lahat habang pinagmamasdan si ate Yen na naglalakad sa Aisle. Its been one month since DJ proposed to me, Still wearing that engagement ring dahil hindi pa kami ang ikakasal. Naunang ikasal si kuya Neil at ate Yen tapos kami next year na tatlong buwan na lang naman dahil after three months, Graduate na kami ni DJ.

Si Diego at Julia naman sa sembreak ang kasal nila na two weeks from now so pagitan ng Christmas at New Year's break ang kasal nila pati na rin ang Honeymoon vacation. Ang ganda-ganda ni ate Yen na naglalakad papalapit sa amin, Papalapit kay Kuya. Hindi halatang buntis si ate Yen sa suot niyang gown sabagay nine weeks palang naman nagbubuntis si ate Yen.

"Alagaan mo siya Neil."sabi ng Daddy ni ate Yen kay kuya. Mangiyak-ngiyak naman si kuya habang nakangiti kay ate Yen dahil sa wakas magkakaroon na sila ng pamilya. Kinuha ni kuya ang kamay ni ate at inalalayan sa pag-akyat sa harap ng Officiator. Tumulong din ako, kami ni DJ sa pag-alalay ng gown ni ate Yen since malapit ang table namin sa harap.

"Thank you."sabi ni ate Yen sa amin at nginitian ko si ate Yen, Nag-salute naman si DJ bago kami bumalik sa mga pwesto namin.

"Always remember Baby, Hindi kita pakakasalan dahil may nabuo tayo kungdi pakakasalan kita kasi may binuo tayo."nakangiting sabi ni kuya Neil at kinilig naman ako sa line ni kuya. Ang maloko at matrip kong kuya may sweet bones din pala sa katawan.

Mangiyak-ngiyak si Mommy habang si Daddy naman nakatitig lang sa harap. Narinig ko pa ang paghikbi ni Mommy habang kausap si tita Karla. Naka-pwesto kasi kami ni DJ sa table ng matatanda, Yung parents namin ni DJ at yung parents ni ate Yen plus kaming dalawa ni DJ nandito sa iisang table.

"Pwede bang wag na lang muna ikasal si Chandria kay DJ?"humihikbing sabi ni Mommy at natawa naman si tita Karla sa drama ni Mommy. Hinawakan naman ni DJ yung kamay ko ng mahigpit sa ilalim ng mesa napatingin tuloy ako sa kanya na nginitian ako kaya nginitian ko rin siya habang tuloy ang kasal. Napatingin ako sa table ng barkada na nakatingin sa harap, Bakit ba kami nandito ni DJ at wala doon? Oh well hayaan na basta ang alam ko hawak ni DJ ang kamay ko at hawak ko ang kamay niya.

Matapos ng seremonya reception na agad, Nagbasag pa nga sila ng babasagin eh kawawa nga yung isa sa waiter na naglilibot ng champagne sa paligid dahil nabubog. Yung hindi siguro nalinis na bubog iyon. Marami pang nangyari sa araw ng kasal ni kuya Neil at ate Yen pero iisa lang ang alam ko, They will live happily kahit na magkaroon sila ng problema siguradong malalagpasan naman nilang dalawa iyon.

After ng wedding ni kuya at ate, May Honeymoon vacation sila sa Milan. Naging busy naman kami para sa Finals kasi malapit na rin kaya todo sunog ng kilay ang ginagawa namin pero mas kawawa ang pinsan kong si Julia pati na rin si Diego na bestfriend ni DJ dahil sa preparations ng kasal nila.



"Grabe sobrang busy namin ni Diego bukod kasi sa kasama kami sa pag-asikaso sa kasal nagrereview pa kami para sa Finals dahil malapit na."sabi ni Julia habang naglalakad kami sa hallway ng university. Halata ang pagod sa mukha niya pero maganda pa rin siya. Kami lang mga babae ang magkakasama kasi nauna na ang mga lalaki sa Lawn Area.

"Oo nga eh bakit kasi hindi niyo na lang ini-schedule after nating gumraduate ayan gahol kayo sa oras ng Diego myloves mo."sabi ni Zharm na nilagyan pa ng pangaasar na tono ang Diego myloves ni Julia.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!