Chapter 32

24.5K 318 18

Kathryn: I realize i am one of them

Kathryn's POV

Nanlaki ang mata ko, Napa-awang din ang bibig ko. Sino ulit yung nagbalik?

"Ano?"gulat na gulat na sabi ni DJ kay Zharm. Eto ba iyon kaya nakaramdam ako ng kaba?

"DJ, Danna is back. Your.."sabi ni Zharm at halatang nalulungkot ang mata niya ng tumingin siya sa akin, She feel sorry i don't know why..

"Your real girlfriend is back."then it hit me! Di pa nga pala nagbe-break si DJ at Danna after all this years kahit na engage na si Danna sa states.


Natatakot ako, Hindi kaya bumalik ang nararamdaman ni DJ kay Danna? Yung nararamdaman sa akin ni DJ? Is it still effective after he see Danna later?

"Na saan na siya? Susunduin ba natin siya?"tanong ni DJ at sa tono ng boses niya, Na-excite siya. Nilunok ko ang selos ko dahil wala akong karapatan.

"Oo, Tara."sabi ni Zharm at kapag tinitignan niya talaga ako feeling ko she's trying to say sorry. Kinagat ko ang labi ko habang papasakay ako sa sasakyan ni Albie, Iyon ang ginamit namin since malaki naman ang SUV ni Albie.


Habang nasa daan kami papuntang airport hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Takot? Kaba? Sakit? Ewan ko. Nag-text si Aria at Kiray kung na saan na kami, Hindi ako nag-reply dahil hindi ko masasabi sa kanila na kasama akong susundo kay Danna.. na hanggang ngayon.. Girlfriend pa rin niya.


Hindi ako napansin ni DJ dahil siguro sa excite niya hanggang sa makarating kami sa airport. Natatakot ako.. Natatakot ako na mawala sa akin si DJ at naiinis ako sa sarili ko.

"Cous? Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Julia kasama si Diego habang nandito sila sa airport.

"Ha? Eh kayo anong ginagawa niyo dito?"tanong ko at nakita rin ni Zharm sina Diego at Julia pero si Albie at DJ? Hindi nakita itong dalawa.

"Susunduin namin si Kuya Matt at ang Fiancee niya, Eh kayo?"sabi ni Julia at napaiwas na lang ako ng tingin, Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin sa pinsan ko na susunduin namin ang girlfriend ni DJ dito.

"Susunduin namin si Danna, Yung.. yung girlfriend ni DJ."sabi ni Zharm at kita ko sa peripheral vision ko na napakagat ng labi si Zharm sabay tingin sa akin.

"Julia." "Zharm."sabay na sabi ng dalawang tao at napatingin ako kay DJ na katabi si Albie na napatingin sa amin dahil dumating na ang dalawang taong hinihintay nila.

"OMG! Danna!"sigaw ni Zharm at yinakap agad si Danna, Infairness she's beautiful. Chinita at maputi.. Ang mga tipo ni DJ.

"Welcome to the Philippines Cousin!"sabi naman ni Julia kay Matt, Si Matt na pinsan ni Julia sa Father side. Pinsan ko si Julia sa mother side, Magpinsan si Mommy at ang mommy ni Julia.

"Thank you Julia and Kathryn, Dati ang cute mo lang ngayon ang ganda mo na."sabi ni Matt sa akin at ngumiti na lang ako ng peke dahil sino ang ngingiti? Ngayong tinutunaw ng tingin ni DJ si Danna?

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!