Chapter 40

24.3K 305 14

Daniel: Kath let me explain.

Kathryn's POV

"Oh bakit ang laki ng ngisi ni DJ?"tanong sa amin ni Diego habang hawak ni DJ ang kanang kamay ko at inaalalayan niya akong maglakad dahil sa saya ng gown ko.

"Hulaan mo."sabi ni DJ at binelatan niya si Diego, Natawa naman si Diego sa ginawang pag-belat ni DJ sa kanya. Nag-CR kasi si Julia, Nandito kami sa Parking at inaantay ang bonggang limo ni Mommy dahil sasabay sa amin sina Diego at Julia.

"Hula ko dahil nag-kiss kayo kanina? Ano pa bang bago doon? Hindi pa nga kay- wait! Kayo na?"tanong ni Diego habang nanlalaki ang mata at napangisi lalo si DJ ako naman namula. Natawa naman si Diego ay hindi pala napahalakhak pala siya.

"Ano? Kayo na?"biglang singit ni Julia na kagagaling lang siguro sa ladies room, Si Diego naman tawa ng tawa habang ako namumulang umiwas ng tingin.

"Oo kami na."sagot ni DJ sa pinsan ko at napatingin ako sa pinsan ko na nanlaki ang mata.

"Kayo na?! OH MY GOSH!"tili ni Julia at nagsisigaw pa siya dahil sa sobrang kilig niya. Sobrang ingay nila ni Diego, Kung si Diego tawa ng tawa si Julia? Ayun tili ng tili.

"Shh! Julia!"saway ko sa pinsan ko na sobrang laki ng ngiti at namumula pa ang mukha niya sa sobrang pag-tili kanina. Maya-maya dumating na rin ang bonggang limo ni Mommy.

Dahil sa tanga ako at yung heels ko ay isang malaking palpak ayun natapilok ako, Mabuti na lang at hinapit ni DJ ang bewang ko kaya nahawakan niya ako't naalalayan kungdi wala na palanggak talaga ako sa semento.

"Kaya ka nahuhulog ang clumsy mo ang swerte mo nandito ako para saluhin ka."sabi ni DJ kaya napatingin ako sa kanya at bigla akong namula. Inakay niya ako sa limo kaya lang medyo natatagalan kaya binuhat niya na lang ako tulad ng pagbuhat ng mga lalaking bagong kasal sa mga babae.

Narinig ko na naman ang malakas na tili ni Julia at Diego sa loob ng limo ng ipasok ako ni TJ.

"Sht! Diego i-Kathryn Bernardo mo rin ako mamaya."matawa-tawang sabi ni Julia kay Diego kaya naman talagang pulang-pula na ako. Lalo naman silang tumawa si DJ ayun nakitawa rin kaya sinamaan ko ng tingin na nginisian lang ako.

Nung nakarating na kami sa tapat ng bahay si Diego binuhat nga ng bridal-style si Julia at tawa sila ng tawa ng pumasok sa bahay ako naman todo kunot ng noo dahil sa sobrang pang-aasar sa akin ng pinsan ko at ng fiance niya.

"Tara na."sabi ni DJ na naunang bumaba habang nilalahad ang kamay niya. Lumabas ako ng limo ng biglang kumirot ang paa ko kung saan ako natapilok kanina kaya ayun no choice binuhat ako ni DJ papasok sa bahay.

Nilapag ako ni DJ sa sofa at umupo siya sa tabi ko, Ala-una na ng madaling araw kami nakauwi. Sumandal lang ako kay DJ saglit at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pagkakasandal ko sa kanya.

Nagising ako sa malakas na tunog ng pag-click lalo na doon sa pag-flash ng isang ilaw kaya mabilis akong napadilat.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!