Chapter 3

33K 395 19

The start of the Story

Kathryn's POV

 

"What?!"Sabay naming sabi ni DJ. Oh no, This is a bad idea, really are a bad idea! Hindi ba nila alam na pwedeng mag-cause ng World War III ang pagsasama naming dalawa and what sa iisang bahay? Sigurado ba silang dalawa?

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa at nabingi kayo?"matawa-tawang tanong ni Tita Karla sa amin.

"Ang sabi ko patitirahin namin kayo sa iisang bahay, Kailangan niyong magsama sa iisang bahay."sabi ni Mommy kaya agad akong napanganga, Sure na sure siya walang atrasan as in?!

"Mommy naman, Tita Karla? Sigurado po ba kayo na kami titira? As in titira? Magkasama sa iisang bahay? Tell me nagbibiro lang po kayo."sabi ko sa kanila at yung tono ng boses ko? Ayun hindi ko alam kasi ang alam ko lang matapos kong magsalita natawa si Mommy at Tita Karla.

"No Chandria hindi kami nagbibiro ng Tita Karla mo."pagkasabi ni Mommy nun natigilan ako. NO Hindi pwede! Maasar lang ako maaga akong tatanda! Magkaka-Wrinkles dahil sa kunsumisyon!

"Ma di ko alam kung ano ang binabalak mo pero Ma di pwede saka alam nyo naman po na magkaaway kami nitong unggoy na 'to di ba?"Sabi ko kay Mommy na may halong tampo para epektib ang arte.

"I hate to admit it but ma, I agree with her. Sigurado ka ba? Baka mamaya sumabog lang itong bahay dahil sa pag-aaway naming dalawa."sabi nung lalaking nasa gilid, Mga tatlong metro ang layo sa akin. Distansya de amigo dahil baka habulin ko siya ng kutsilyo, Ugh! I never imagine that thing, Kaming dalawa. Nasa Garden. Naghahabulan ng Kutsilyo..

"Saka Mama nagpapatawa ka ba? Gusto mo bang mabingi ang anak mo? Eh mala megaphone ang bunganga nito baka masira ang eardrums ko dito sa Babaeng ito teka Babae ka ba o Bakla?"Sabi niya at Nang-asar pa! Bwisit siya! Itutuloy ko ang ini-imagine ko kanina na hahabulin ko siya ng kutsilyo. Ala-Saw ang peg pero hindi saw ang gamit ko kungdi kutsilyo, The Knife reaper? Pwede na yun. Lol ano bang pinagiiisip ko?

"Eh ikaw walking eyebags ka ba o unggoy?"banat ko sa kanya at nag-role eyes siya. Yung totoo bading ba siya? Dahil kung hindi iirap, magro-rolyo ng mata.

"Tama na nga iyan at pumasok na kayo sa loob, Tignan nyo yung facilities ng bahay para alam nyo kasi starting Today dito na kayo Titira."Sabi ni Mommy at napanganga ako kasi seryoso talaga sila sa housemate thingy.

 
Mommy seryoso ka ba talaga? Kasi ako hindi ako seryoso! Yung buhay ko, Yung gamit ko, Si Julia, Si Daddy, Kayo nila Kuya Neil omg!

"Kung nag-aalala ka Chandria it's okay nandito na ang gamit mo kanina pa habang nasa school kayo ni Julia saka diyaan lang sa tapat titira si Julia kaya no worries okay."Sabi ni Mommy at napanganga ako, Is she doing some sort of telepathy?



"Mommy kailan pa po kayo naging mind reader?"Sabi ko habang tinitignan siya ng may paghihinala.

Pero ano sabi ni Mommy? Si Julia diyaan sa tapat ng bahay titira? Doon na lang kaya ako o di kaya tatakas ako para di ko makasama 'tong unggoy na 'to. Bwuhahaha that's so smart of you Kathryn!

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!